Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Dead-on-the-spot ang biktima na nakamotorsiklo matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tondo, Manila.
Metro
Nakamotorsiklo patay sa angkas
Jon-jon Reyes
May 27, 2025
352
Views
UTAS ang rider na binaril sa batok ng kanyang kaangkas na hindi nakikilala sa Taliba St., Balut, Tondo, Manila noong Martes.
Ayon sa report kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), bandang alas-3:30 ng hapon ng barilin si alyas Tote.
Backrider ang suspek kaya sa batok tinira ang biktima. Tumagos sa may kilay ang bala ng baril nagresulta sa kamatayan ng rider.
Pagkatapos barilin, lumipat ang suspek sa isa pang motorsiklo na kasama ng suspek at tumakas na.
Rumesponde ang mga pulis sa crime scene pero hindi nahuli ang suspek kaya kinordon na lang ang crime scene.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

