Calendar
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang fugitive na Korean National matapos maaresto ito ng pinag-sanib na puwersa ng BI at NBI sa Malate, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES
Overstaying, wanted na Koreano natunton ng NBI, BI sa Malate
NAARESTO ang isang Korean fugitive ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD), sa ilalim ng pangangasiwa ni NBI Director Judge Jaime B.
Santiago at sa koordinasyon ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa Malate, Manila, nitong Martes, Hunyo 3, 2025.
Batay sa talaan ng BI, ang Korean national na kinilala na si Kim Yooshik a.k.a. Kim Yoosik, ay hindi kanais-nais at overstaying na dayuhan at nagdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng publiko dahil sa pagiging takas mula mula sa hustisya ayon sa opisyal na komunikasyon mula kay Consul Yun Wonchang ng Embahada ng Republika ng Korea na may petsang Abril 17, 2023.
Bukod dito, ang Interpol Blue Notice ay inisyu laban sa suspek na nagsasaad na mayroon siyang Warrant of Arrest for Fraud na lumalabag sa Article 347-(1) ng Criminal Act of Korea, para sa panloloko sa kanyang biktima ng mahigit KRW 10,000,000 sa anyo ng investment scam noong Oktubre 14, 2008.
Ang karagdagang pag-verify sa database ng BI ay nagpapakita na ang nasabing dayuhan ay may mga aktibong mapanirang rekord sa ilalim ng Blacklist Order na may petsang Hunyo 22, 2023, at Watchlist Order na inisyu noong Abril 5, 2023, kapwa para sa hindi kanais-nais, bilang isang takas mula sa hustisya.
Sa pag-verify ng criminal records sa database ng NBI, napag-alamang may outstanding Warrant of Arrest para sa estafa si Kim. Dati na rin itong kinasuhan ng falsification of public documents, malicious mischief, grave threat, damage to property at human trafficking.
Pansamantalang nakakulong ang subject sa opisina ng NBI-OTCD para sa imbestigasyon at standard booking at arrest procedures at pagbibigay sa kustodiya ng BI-FSU.

