Vic Reyes

Kampanya kontra ismagling ay trabaho ng lahat

Vic Reyes Jun 8, 2025
20 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga mambabasa. Lalo na sa mga tagasubaybay natin sa Japan at ibang bansa.

Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Yoshiko Katsumata, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Patricia Coronel, Roana San Jose, Mama Aki ng Ihawan, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na sumusuporta sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Rita dela Cruz, Malou Co, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Mabuhay kayong lahat!

God Bless!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa: +63 9178624484/email: philipreyes08@yahoo.com.).

****

Kagaya ng graft and corruption sa iba’t ibang opisina at ahensiya, hindi mawawala ang ismagling sa aduana.

Patuloy na may mga magtatangkang magpasok ng kontrabando sa bansa dahil malaki ang kinikita.

Kailangan talaga ay laging alerto ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) para hadlangan ang pagpasok ng kontrabando sa bansa.

Dahil kulang sa manpower resources at kagamitan ang BOC, dapat tumulong and Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine National Police.

Ang mga opisinang ito ay may mga tauhan at barko para habulin ang mga ismagler.

Huwag natin kalimutan na mayroon tayong mahigit pitong libong isla na puwedeng pagdaungan ng mga barko ng mga ismagler.

Ang kampanya laban sa ismagling ay hindi lang trabaho ng mga taga-BOC.

Kung gusto nating matigil ang gawaing ito,magtulong-tulong ang lahat.

Ang mahirap sa ismagling, puwedeng makapasok sa bansa ang mga bagay na makasasama sa kalusugan ng tao, kagaya na lang ng mga iligal na droga, pekeng gamot at pagkain.

Kasama na rin ang mga baril, bala at bomba.

Hindi man tuluyang masugpo ang ismagling, siguruhin natin na maparusahan ang mga mahuhuling ismagler.

Tama ba, Commissioner Bien Rubio?

***

Dapat preparado na ang gobyerno sa pagpasok ng tag-ulan dahil madalas bumabaha sa maraming parte ng bansa kapag nagkaroon ng malalakas na pag-ulan.

Madali pa namang umapaw ang mga ilog at iba pang daluyan ng tubig dahil punong-puno na ng basura ang mga ito.

Ang masakit, marami pang plastic ang kasama sa mga itinatapon na basura.

Talagang walang disiplina ang iba nating kababayan pagdating sa disposal ng ating mga basura.

Nakalulungkot!