Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Tulak Ang dalawang suspek matapos na maaresto sa buy-bust ng mga pulis sa Tondo, Manila.

P.4M shabu nakuha sa 2 suspek na tulak sa Tondo

Jon-jon Reyes Jun 8, 2025
300 Views

DALAWANG hinihinalang tulak ang binitbit ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug Operation sa buy-bust at nakunan ng mahigit P400,000 na halaga ng shabu sa Mel Lopez Boulevard, Brgy. 105, Tondo, Manila kamakailan.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Ralph Malabed at Police Staff Sergeant Eric Reyes sa ilalim ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng District Enforcement Unit ng Manila Police District, nahuli sina alyas Pong/Lolo, 45 anyos; at Chito, 29, bandang alas-4:50 ng umaga.

Narekober sa dalawa ang 60 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.

Nahaharap ang dalawang naaresto sa paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165.