Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Chiz1

Mga senador judges manunumpa matapos Chiz manumpa para sa impeach trial

361 Views

MATAPOS ang mainit na palitan ng opinyon at pagkaantala sa proseso, nanumpa si Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court para sa kasong isinampa laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Bagama’t itinuturing itong mahalagang hakbang ng minority bloc tungo sa pagbubukas ng paglilitis, hindi pa rin opisyal na naipupulong ang impeachment court hangga’t hindi pa nanunumpa ang mga senador bilang mga hukom.

Gabi ng Hunyo 9 nang opisyal na nanumpa si Escudero sa harap ng Senado. Aniya, “I will do impartial justice according to the Constitution and laws of the Philippines.

Ngunit nilinaw agad ni Senador Joel Villanueva na: “After the oath-taking of the Senator Judges, the Court will be constituted but not convened yet, Mr. President.” Ibig sabihin, hindi pa kikilos ang hukuman hangga’t hindi pa nanunumpa ang mga senador.

Nakatakda naman manumpa bukas, June 10 alas 4 ng hapon ang mga senador bilang senator judges.

Halos humantong sa deadlock ang Senado matapos hilingin ni Senador Aquilino Koko Pimentel na agad nang simulan ang impeachment trial, batay sa Article XI, Section 3 ng Saligang Batas.

Sinegundahan ito ni Senadora Risa Hontiveros na iginiit: “Natural na epekto na kapag ngayong araw manunumpa ang presiding officer, bukas ay tayong lahat naman manunumpa bilang senator judges—natural na epekto ‘yon at pumayag kami na tapos nito ay sa Committe on Rules na tayo.”

Ngunit tumutol si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na nagsabing hindi maaaring ituring na pormal ang pagpupulong ng hukuman nang walang pormal na boto. “If you say that it will trigger [the convening], then I will object to that motion,” babala niya.

Sinubukan namang mamagitan ni Senador Alan Peter Cayetano, at ipinunto: “Tomorrow we will take our oath as a group. But ‘yung pagco-convene, in accordance with our agreement… will be on Wednesday.”

Dahil dito, nabahala si Pimentel at sinabing: “We are being trapped… Gusto nga namin convening of the court tonight.”

Sa bandang huli, walang tumutol sa mosyon na ituloy ang panunumpa ni Escudero.

Gayunman, nanatiling may agam-agam ang mga nasa minority. Bagama’t ito ang unang pormal na hakbang tungo sa pagsisimula ng paglilitis, hindi pa rin ito sigurado—may dalawa na lamang na araw bago ang adjournment ng Kongreso.

Iminungkahi rin ni Senador Francis Tolentino na palitan sa opisyal na rekord ang salitang “agreements” at gamitin ang “constitutional provisions,” bilang paalala na legal na obligasyon ng Senado ang kanilang mga hakbang, at hindi lamang bunga ng mga kasunduan.

Sa ngayon, bahagyang nabuo na ang impeachment court, ngunit hindi pa ito pormal na naipupulong. Ang susunod na hakbang—ang panunumpa ng mga senador bilang hukom at ang aktwal na pagsisimula ng paglilitis—ay inaasahang tatalakayin sa sesyon sa Miyerkules.

Sa huli, muling iginiit ni Hontiveros: “Please maging reasonable naman po tayo at tumupad naman po kami sa mga kasunduan.” kung saan ay sa bandang huli Nanaig ang minoriya na makapanumpa na si SP Chiz at hukas ng hapon, June 10, 2025 , alas 4:00 ng hapon ay manunumpa naman ang mga senador sa 19th Congress bilang senator judges.