Calendar
MMDA, Caloocan sanib-pwersa sa paglilinis ng Maligaya Creek
NAGSANIB puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa paglilinis ng Maligaya Creek sa tabi ng La Loma Cemeteryt Exit at Pancracio Parish Miyerkules ng umaga sa Barangay 120, CaloocanCity.
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, ang paglilinis ay bahagi ng kanilang programang “Bayanihan sa Estero”, na inisyatiba ng komunidad na layong malinis ang mga basura sa estero at kanal sa buong Metro Manila.
“The program dubbed “Estero ay Alagaan, Bayan ay Protektahan” seeks to address major blockages that impedes the natural flow of water. Through this initiative, we would be able to remove waste from drainage systems that could worsen flooding during heavy downpours,” pahayag ni Lipana.
Umapela rin si Lipana sa publiko na itapon ng maayos ang kanilang basura upang hindi maging sanhi ng pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa MMDA Flood Control and Sewerage Management Office, umabot sa 24 na dump trucks ng basura na katumbas ng 48-tonelada ang nakolekta sa Maligaya Creek mula lang nitong Linggo hanggang Martes na karamihan ay plastic na botelya, pambalot ng pagkain, at iba pang basurang itinapon ng walang patumangga sa mga estero at kanal.
May 273 na mga kanal sa National Capital Region na may habang 570 kilometro. Sinabi ng MMDA na gumagana naman lahat ang kanilang 71 pumping stations.
Nagpasalamat naman si Caloocan City Adminstrator Aurora Ciego sa ahensiya , pati na rin sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumulong din sa isinagawang paglilinis sa mgaestero at kanal na kanilang nasasakupan. (edd reyes)

