OFW Source: DMW

Mabilis na tugon, pondong suporta sa OFWs na naipit sa ME hiniling

20 Views
OFW1
Source: DMW

NANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa pamahalaan na agad na kumilos at maglunsad ng isang maayos at may pondong plano upang matiyak ang kaligtasan at posibleng pagpapauwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel at Iran.

Ito ay kasunod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa at mga ulat ng mga nasugatang Pilipino sa naturang rehiyon.

Pinuri ni Villanueva ang mga pagsisikap ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA), ngunit ipinunto niya ang pangangailangan ng mas maagap na hakbang, lalo’t may 13 OFWs na umano’y nagpahayag na ng kagustuhang makauwi.

“While it is important to carefully consider the timing of our actions in light of the evolving situation, there is also a pressing need for a response that is both timely and urgent,” ani Villanueva, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng kahandaan sa anumang sitwasyon.

Dagdag pa niya, mahalagang may nakahandang mga alternatibong ruta sa lupa para sa repatriation ng mga OFW, lalo na kung mangangailangan ng malawakang pagpapauwi.

“Our agencies must be ready with alternative land-based repatriation routes for those OFWs who wanted to be repatriated immediately, and should mass repatriation be required by the situation,” giit niya.

Tinukoy rin ni Villanueva ang pondong maaaring gamitin sa ganitong mga emerhensiya, kabilang ang ₱1.2 bilyong nakalaan sa ilalim ng AKSYON Fund para sa DMW, batay sa 2025 General Appropriations Act.

“It is crucial that our agencies have adequate funding to allow them the flexibility to act swiftly and decisively during emergencies,” dagdag pa niya.

Sa kabuuan, iginiit ni Villanueva na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa ibang bansa, lalo sa mga conflict zones, ay dapat laging prayoridad ng pamahalaan, at kinakailangan ang mabilis at epektibong tugon na may sapat na pondo upang maisakatuparan ito.