Vic Reyes

Mata, tainga, boses ng Kamara

Vic Reyes Jun 18, 2025
24 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga taga-subaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Bagama’t nag-umpisa na ang sobrang init ng panahon sa Japan, patuloy naman sa pagtatrabaho ang masisipag nating kabayan.

Ingat lang kayo diyan, me mga balita na kasi na may mga tinamaan na ng “heat stroke.”

Nawa’y manatili kayong ligtas.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless sa inyong lahat!

***

Kagaya ng mga nakaraang taon, mananatiling aktibo ang grupo ng party-list solons sa House of Representatives.

Sa katunayan, ang mga sectoral representatives ay isang “formidable force to be reckoned” sa Kongreso.

Sa mga committee hearings investigations in aid of legislation ay hindi matatawaran ang kanilang kontribusyon.

Pati sa floor deliberations at debates ay hindi sila nagpapatalo.

Sa darating na 20th Congress na magsisimula sa Hulyo 1, makakasama na nina Rep.Yedda Marie Romualdez ng Tingog ang dalawa sa kilalang legal luminaries sa lbansa.

Ito ay sina dating Senador Leila de Lima ng Mamamayang Liberal (ML) at Chel Diokno ng Akbayan.

Sa kabila ng ilang puna laban sa party-list system, mananatiling major pillar ng Kamara de Representante ang mga sectoral representatives.

Nagsisilbi silang mga “mata, tainga at boses” ng mga sektor na kinakatawan nila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

****

Kulang dalawang linggo na lang ay uupo na ang mga bagong halal na lingkod-bayan.

Ang mga lokal na government officials, kasama na ang mga miyembro ng House of Representatives, ay may tatlong taong term of office.

Sa mga probinsiya, syudad at bayan na may mga bagong gobernador at alkalde, siguradong marami ang matatanggal na opisyal at empleyado.

Ito ang mga tinatawag na “ghost employees,” “15-30 personnel,” contractuals, casuals at iba pang empleyado na walang civil service eligibility.

Alam naman ng mga lingkod-bayan na ito na puwede silang mapalitan ano mang oras dahil wala nga silang “security of tenure.”

Sana naman i-retain ang mga“deserving” na opisyal at kawani kahit na ang mga ito’y hindi kapartido.

Ang mahalaga ay naging tapat sila saserbisyo at walang record ng kalokohan at katarantaduhan.

***

Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.