OFW1 Ang ilan sa mga OFW mula Israel na nakauwi sa tulong ng ๐——๐— ๐—ช at ๐—ฃ๐—› ๐—˜๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐˜† ๐—ถ๐—ป ๐—ง๐—ฒ๐—น ๐—”๐˜ƒ๐—ถ๐˜ƒ. Source: DMW FB

Sen. Risa sa gobyerno: OFW sa Iran, Israel pauwiin agad

25 Views

โ€œNO Filipino left behind.โ€ Ito ang mariing panawagan ni Senadora Risa Hontiveros habang hinihimok niya ang pamahalaan na agad na pauwiin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) mula Israel at Iran, sa gitna ng lumalalang tensyon at sunod-sunod na pag-atake ng mga misayl sa rehiyon.

Sa kanyang pahayag noong Hunyo 19, 2025, nanawagan si Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na agad na kumilos.

Binigyang-diin niyang dapat unahin ang mga nasa mga lugar na direktang apektado ng kaguluhan para sa agarang paglikas.

Kasabay nito, ipinunto rin ni Hontiveros ang kahalagahan ng kahandaan sa pagtanggap sa mga uuwing manggagawa. โ€œReintegration programs, livelihood assistance, and psychosocial support should be in place for evacuees,โ€ ani ng senadora, habang ipinapaalala ang tungkulin ng mga ahensyang lokal na suportahan ang mga repatriate.

Bilang paghahanda sa posibleng paglala ng sitwasyon, iminungkahi ni Hontiveros na dapat nang simulan ng pamahalaan ang masusing paghahanda.

โ€œThe government has to start organizing and making sure contingency plans are in place,โ€ giit niya.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, muling binigyang-diin ni Hontiveros ang pangangailangan ng masinsinang tugon mula sa pamahalaan: โ€œGovernment must be ready for all possible scenarios and ensure that no Filipino is left behind in this conflict.โ€