Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Calendar
Nation
Kelot nalambat sa Calamba sa kasong gahasa
Gil Aman
Jun 19, 2025
332
Views
CAMP BGEN Paciano Rizal — Nalambat dahil sa kasong rape ang isang lalaki ng Calamba City police noong Miyerkules.
Kinilala ni Laguna Police Acting Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia ang suspek na si alyas Teven.
Sa ulat, nadakip ng mga pulis sa pamumuno ni P/Lt. Col. Victor Sobrepena, Calamba police chief, ang suspek matapos matunton ang pinagtataguan dakong alas-3:30 ng hapon sa Brgy. San Jose, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 133 ng Makati City.
Nasa kustodiya na ng Calamba police ang akusado. “Sa pagkaaresto ng akusado ay mabibigyan na ng hustisya ang biktima,” ayon kay Dalmacia.

