PRAs hinimok na wag muna magpapadala ng OFW sa ME
Jun 19, 2025
Calendar

Nation
P160K na kush, vape nakuha ng NBI sa lalaki sa Angeles City
Jon-jon Reyes
Jun 19, 2025
22
Views
ARESTADO ang lalaki ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos masabat sa kanya ang mahigit P160,000 na halaga ng ilegal na droga at marijuana vape sa Angeles City, Pampanga.
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si alyas Carl, 24, na naaresto sa Brgy. Lourdes West, Angeles City.
Nasamsam kay Carl ang 85 na gramo ng kush na nagkakahalaga ng P102,000 at 21 piraso ng marijuana vapes na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P60,000.
Kinasuhan ang suspek sa Angeles City Prosecutor’s Office ng pagbebenta ng mga mapanganib na droga na paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2022).
Pinasalamatan ni Santiago ang kanyang mga tauhan sa paghuli sa suspek.
PRAs hinimok na wag muna magpapadala ng OFW sa ME
Jun 19, 2025
PH pwede na mapunuan pangangailangan sa asukal
Jun 19, 2025
Rigodon ng NAPOLCOM officials simula sa Hunyo 23
Jun 19, 2025