Buy-bust

Mekaniko nasilo sa buy-bust sa Cavite

Alfred Dalizon Jun 21, 2025
18 Views

MAHIGIT P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Maritime Police Station sa isang buy-bust noong Biyernes.

Ayon sa ulat ng PDEA na pinamumunuan ni Director General Isagani R. Nerez, nahuli ang suspek na si alyas Geoffrey, 32-anyos na mekaniko, sa Barangay Salinas 1, Bacoor City, dakong alas-11:50 ng hapon.

Nasamsam sa akusado ang humigit kumulang na 200 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P1.36 milyon at ang buy-bust money.

Kasalukuyang nakapiit sa PDEA Region 4-A lockup facility sa Sta. Rosa City, Laguna, ang akusado na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.