Calendar
Speaker Romualdez binati si dating First Lady Imelda Marcos sa ika-96 na kaarawan: HINUBOG ANG KASAYSAYAN
KASABAY ng kanyang pagbati sa ika-96 na kaarawan ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos nitong Miyerkules, kinilala ni re-elected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang mahalagang papel nito sa paghubog ng kasaysayan na nagsilbing inspirasyon ng mga henerasyon.
Sinabi ni Romualdez na buhay pa rin ang alaala at pamana ni dating Unang Ginang Imelda Marcos, ang maybahay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dahil sa kanyang naging ambag sa kultura, diplomasya at paglilingkod sa bayan.
“Today, we celebrate a woman who embodied the grace, strength, and resilience of the Filipino spirit,” ayon kay Romualdez.
“Mrs. Marcos believed in the transformative power of culture and infrastructure to build a proud and united nation. Her vision elevated the Philippines onto the global stage,” aniya.
Bilang pamangkin ni Ginang Marcos, binigyang-diin ni Romualdez na ang impluwensiya ng dating Unang Ginang ay patuloy na gumagabay sa kanilang pamilya sa pagsisilbi sa bayan.
“As a daughter of Leyte, she brought great honor to our province. Her deep love for Tacloban and the Filipino people remains alive in our hearts,” dagdag pa ni Romualdez.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel na ginampanan ni Ginang Marcos sa paghubog ng karakter at pamumuno ng kanyang anak, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“President Marcos draws strength from the legacy of both his parents. We stand with him in honoring his mother—whose life was defined by service, vision, and unwavering dedication to the nation,” ayon pa kay Romualdez.

