Acidre Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez

Romualdez: Crop Insurance Bill tugon sa panawagan ni PBBM na protektahan mga magsasaka, patatagin suplay ng pagkain

315 Views

RomualdezIKINALUGOD ni Lakas-Christian Muslim Democrats president at Leyte Rep. Martin G. Romualdez ang muling paggiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang saklaw ng crop insurance, upang mapatibay ang proteksyong ibinibigay sa mga lokal na magsasaka at mapatatag ang suplay ng pagkain sa bansa.

“We are one with the President in putting farmers front and center in our development agenda,” ani Romualdez. “His call to expand crop insurance is not just timely—it is necessary. It’s about giving our farmers peace of mind when they plant, and hope when disaster strikes.”

Para mangyari ang inisyatibang ito ng Pangulo, inihain ni Romualdez ang House Bill No. 14 na naglalayong palakasin at palawakin ang serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at hikayatin ang mas aktibong pakikibahagi ng pribadong sektor sa agricultural insurance.

“This bill is my personal commitment to every farmer who risks everything each planting season. With better insurance, we’re not just protecting crops—we’re protecting lives, dreams, and the future of our food supply,” sabi pa niya.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang panukala ay sumasalamin sa parehong agarang pagkilos at malasakit na ipinakita ni Pangulong Marcos sa kanyang pakikipagpulong sa mga magsasaka sa Nueva Ecija, kung saan inanunsyo ng Punong Ehekutibo ang mas malawak at abot-kayang insurance coverage sa ilalim ng Department of Agriculture.

“President Marcos understands that farming today means confronting floods, droughts, and typhoons—and farmers cannot face these battles alone. Our job in Congress is to make sure the support system is strong, fair, and responsive,” dagdag ni Romualdez.

Sa ilalim ng HB No. 14—na kasamang iniakda nina Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez—palalawakin ang saklaw ng PCIC hindi lamang sa mga tradisyunal na pananim gaya ng palay at mais, kundi pati na rin sa high-value crops, livestock, aquaculture, farm machinery at maging post-harvest infrastructure.

Ayon kay Romualdez, pinakamakikinabang sa repormang ito ang maliliit na magsasaka na kadalasang hindi na kumukuha ng insurance dahil sa kakulangan ng impormasyon, red tape o mahabang proseso, at mababang benepisyo.

“They take all the risks, and when nature hits hard, they’re left with nothing. That has to change,” aniya.

Tinukoy pa niya ang datos mula sa CGIAR na nagsasabing mahigit 2.4 milyong rice farmers sa bansa ang nananatiling lantad sa mga epekto ng climate change ngunit walang sapat na access sa crop insurance.

“This bill is not just policy—it’s a promise to our farmers: we’ve got your back,” ani Romualdez.

Ikinatuwa rin niya ang pamamahagi kamakailan ng 16 mobile soil laboratories sa pangunguna ng Pangulo bilang bahagi ng isang science-based approach para mapataas ang ani.

Nangako si Romualdez na isasama rin ang mga ganitong inobasyon sa mga panukalang batas upang maging handa ang sektor ng agrikultura ng bansa sa mga hamon ng hinaharap.

Ang HB No. 14 ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ni Romualdez para sa kapakanan ng parehong magsasaka at mamimili.

Una na rin niyang inihain ang House Bill No. 1 o ang “Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act,” na naglalayong ibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA) upang mapatatag ang presyo ng bigas at mapanatili ang patas na kalakaran nito sa merkado.

“From insurance to innovation to fair pricing, all these are part of a bigger effort to make sure that farming remains a viable and dignified way of life,” ani Romualdez. “Because when we protect our farmers, we protect every Filipino family who depends on them for food.”