Yorme1 Naghatid ng mensahe si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga kapulisan matapos itong dumalaw sa Manila Police District Headquarters sa UN Avenue Ermita Manila. Kasama ni Mayor Isko sina Vice Mayor Chi Atienza at ang anak ng alkalde na si Konsehal Joaquin Domagoso ng Distrito Uno. Kuha ni JONJON C. REYES

Yorme Isko: P26M allowance matatanggap na ng MPD

Jon-jon Reyes Jul 2, 2025
471 Views

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) na matatanggap pa rin nila ang kanilang allowance.

Sa panayam kay Mayor Domagoso, sa Manila Police District 1st Command Conference at Talk to Men, sinabi ng alkalde na aabot sa P26 milyon ang allowance ng mga pulis.

Sinabi ni Yorme Isko na gagawan nila ng paraan kasama ni Manila Vice Mayor Chi Atienza at iba pang opisyal ng Manila LGU na maibigay sa mga kapulisan ng MPD ang kanilang allowance sa lalong madaling panahon.

Pakiusap lamang ng alkalde sa kapulisan ng MPD na maghintay lamang dahil aniya ‘nabulunan’ siya sa laki ng pagkakautang ng dating administrasyon.

“Gagawan ko ng paraan ang utang sa inyo ng pamahalaang lungsod,” sabi ng alkalde.

Kasabay nito, nakiusap naman ang alkalde sa mga pulis na magfocus muna sa dalawang bagay–ito ay ang linisin ang Maynila sa kadugyutan at magkaroon ng kapanatagan ang pamumuhay salungsod ng Maynila .

Sinabi ni Domagoso ng napa-specific ang tagubilin ng pamahalaang Maynila kung saan hahanapin ang mga kriminal saan man sila nagtago.

Nanawagan din ang alkalde sa mga biktima sa Road 10 na mga truck driver, byahero, pribadong sasakyan na ipinag-utos na niya ang ‘full force’ sa MPD sa pamumuno ni MPD Dir.P/Brig. Benigno Guzman na hanapin ang mga taong ito na nakuhanan ng video .

“Sa mga nabiktima maaring hindi kaagad kayo nabigyan agad ng hustisya pero sa maliit naming kaparaanan ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ng Manila Police District and to the City Council through the lidership of Vice Mayor Chi Atienza hahanapin po namin sila ngayon,” babala pa ng Manila mayor.

Samantala , sinabi ni Domagoso na agad na ring ipapatupad ang citywide curfew sa Maynila.at ang linguhan clearing operation sa lungsod ng maynila..

Makakatulong aniya ng pulis ng Maynila ang Social Worker sa ilalim naman ng liderato ni Director Jay dela Fuente…