Isko1

Nasunugan tinulungan ni Yorme Isko

Edd Reyes Jul 4, 2025
381 Views

BINIGYAN ng ayuda ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso ang halos 200 pamilyang apektado ng naganap na malaking sunog sa sa Amelia St. Brgy. 439 at 448, Sampaloc noong Huwebes.

Namahagi ng tig-P15,000 sa bawat pamilya ang alkalde at namigay din ng mga kumot at higaan na mula sa kagandahang loob ng isang pribadong kompanya.

Nauna ng nagpunta si Yorme Isko, kasama si Vice Mayor Chi Atienza Miyerkules ng hapon sa naturang lugar upang alamin ang kalagayan ng may 198 pamilya na nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog noong Miyerkules ng madaling araw.

Pinayuhan ng mayor at VM ang mga nasunugan na huwag mawalan ng pag-asa at nangakong babalikan sila upang makapaghatid ng tulong matapos ipaliwanag ang krisis sa pananalapi ng lokal na pamahalaan na kanilang minana sa nakaraang administrasyon.

Umabot sa P2.79 milyon ang naipamahagi ng alkalde sa mga nasunugan.