Nacional Kinilala ni Police Lieutenant Col. Arwen Nacional ang naarestong suspek na may kasong frustrated murder sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot tiklo sa tangkang pagpatay

Jon-jon Reyes Jul 8, 2025
283 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Barbosa police station 14 ang tricycle driver dahil sa kasong frustrated murder sa Coral St., corner Magsaysay St., Brgy. 119, Tondo, Manila noong Lunes.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jonas’ 27,isang tricycle driver at kasalukuyang naninirahan sa Magsaysay St,Tondo manila..

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa police station 14, bandang alas-10:20 ng gabi ng maispatan ang suspek na si alyas Jonas, 27, kaya naaresto ng mga operatiba ng mga pulis sa pangunguna ni PCapt. James Dumangas.

Naaresto siya sa kasong frustrated murder sa tulong ng arrest warant na inisyu ni Judge Dinah Aguila-Topacio, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 42 ng Maynila.

Inihahanda na ang mga dokumento bago siya sampahan ng nasabing kaso.