Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Arestado Kinakausap ni Police Major Edward Samonte, hepe ng SMaRT-MPD, ang suspek sa sumaksak at nakapatay sa isang miyembro ng MMDA. Kuha ni JONJON C. REYES

Lalaki grinipuhan ng kaaway, patay

Jon-jon Reyes Jul 17, 2025
343 Views

HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang saksakin ng nakatakas na dating kaalitan noong Linggo sa Dagupan St., Brgy. 48, Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Rosauro Suba, 56, at mabilis naman tumakas ang suspek na si alyas Levy, 56.

Ayon kay Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong alas-2:45 ng hapon habang patungong karinderya ang biktima nang makasalubong ang salarin na armado ng patalim.

Inundayan ng ilang beses sa tiyan ang biktima at idineklarang dead-on-arrival ng ospital kung saan siya dinala.

Naaresto ang suspek sa pakikipagtulungan ng mapagkakatiwalaang impormante at natimbog sa Oroquieta St. sa Sta. Cruz, Manila.

Naging mapayapa naman na sumuko ang suspek na agad dinala sa MPD-SMaRT sa Manila City Hall kung saan positibo itong kinilala ng isang testigo sa krimen.

Ang naging hakbang ng MPD-SMaRT ay base na rin sa gabay ni P/Lt. Col. Damaso Burgos ng MPD.