Isko Dinalaw ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga biktima ng baha sa iba’t-ibang evacuation centers sa Maynila upang alamin ang kanilang mga sitwasyon. Kasama ni Mayor Isko si MDSW Director Jay Reyes Delafuente. Kuha ni JonJon Reyes

Yorme Isko dinalaw, nagmalasakit sa mga bakwit

Edd Reyes Jul 22, 2025
274 Views

BINISITA noong Martes ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga pamilya na nanunuluyan sa mga evacuation center matapos lumikas sa kanilang tirahan bunga ng baha dulot ng habagat at bagyo.

Sa ulat ni Manila Department of Social Welfare Director Jay dela Fuente, umabot sa 821 na pamilya o 2,780 indibiduwal ang lumikas sa kanilang tirahan sa anim na distrito ng Maynila para manuluyan sa 20 evacuation sites.

Kabilang sa mga evacuation site na ginamit ang Delpan Sports Complex, Vitas Building 18 covered court, Brgy. 195 covered court sa District 1, Brgy. 199 Multipurpose Hall, Melchora Aquino Elem School, Gen. Gregorio Del Pilar Elem. School at Brgy 204 Brgy. Hall sa District 2.

Sa District 3, ginamit din ang Regidor Elem. School, Barangay Hall ng Brgy. 326 at 296, Solex 1 sa Brgy. 292, at Teodora Alonzo High School habang sa District 4 ang Day Care Center ng Brgy. 456, Trinidad Tecson Elem School at ang District Welfare Office 5 sa District 5.

Apat na evacuation site naman sa District 6 ang ginamit. Kabilang dito ang Brgy. Likha Multipurpose Center, Don Bosco High School sa V. Mapa, Barangay Hall ng Brgy. 602 at 607 pati na rin ang Herminigilda Atienza Elem. School sa Baseco Compound.

Sinabi ni Director Dela Fuente na dinalhan nila ng mainit na pagkain at malinis na tubig inumin ang mga bakwit sa iba’t-ibang evacuation areas. May kasamang ulat ni JONJON C. REYES