Tulak Kinilala ni Police Major Salvador Jhong Inigo (kaliwa) ang natimbog na suspek na may dalang 107 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000 sa Quiapo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

P700K shabu nasamsam sa ‘tulak’ sa Quiapo

Jon-jon Reyes Jul 22, 2025
261 Views

NALAMBAT ang pinaniniwalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Maynila at nasamsam sa kanya ang P727,600 na halaga ng shabu sa Coromina St., Quiapo noong Sabado.

Ayon kay Police Major Salvador Jhong Inigo, chief ng District Drugs Enforcement Unit ng Manila Police District, bandang alas-8:30 ng umaga nahuli si alyas Pipoy

Nasabat din ng mga pulis mula sa suspek ang kalibre .45 baril na may laman na pitong bala.

Nakadetine ang suspek sa MPD headquarters at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 at illegal possession of firearms.