Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Mayor Isko

Isko: Dagdag sewage treatment plants pangmatagalang panlaban sa baha

Edd Reyes Jul 23, 2025
287 Views

IMINUNGKAHI ni Manila Mayor Isko Moreno sa national government na magdagdag pa ng mga sewage treatment plants (STPs) bilang pangmatagalang solusyon sa problema ng mga pagbaha sa kapitolyo ng bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng alkalde na malaki ang maitutulong ng karagdagang mga STP upang maibsan ang pagbaha sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan sa halip na linggihang paglilinis ng mga imburnal at kanal na kanila ngayong ginagawa.

Sinabi ng alkalde na may utos ang Korte Suprema na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na linisin, isailalim sa rehabilitasyon, at pangalagaan ang Manila Bay, kabilang ang paglalagay ng STP.

Paliwanag pa niya, nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng STP upang makasunod sa utos ng Mataas ng Hukuman.

Maganda aniya ang itinayong STP ng DENR at DPWH sa Roxas Boulevard bilang pagsunod sa utos ng Korte Suprema subalit hindi aniya ito sapat lalu na’t barado na aniya ang malalaking tubo sa pangunahing kanal kaya hindi sapat ang paghigop sa dami at bilis ng daluyong ng tubig-ulan at baha.

Binigyang-diin pa ni Yorme Isko na kung susundin ang kautusan ng korte, kailangan aniya ay malagyan din ng STP ang Baseco sa Brgy. 105 at Brgy. 128 sa Parola dahil papunta rin sa dagat ang tubig mula rito.

Pinuna rin niya ang mga nakuha nilang bara sa mga binuksang imburnal sa Taft Avenue na sa halip na basura lamang, napuno na rin aniya ito ng buhangin, lupa at burak.

Kayo ano ‘babay baha forever’ tips n’yo?