Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Navotas

2nd pader sa Navotas bumagsak, mga pamilya inilikas

Edd Reyes Jul 24, 2025
370 Views

BUMAGSAK ang pader na pag-aari ng kompanyang A.H. Araullo & Sons Rizal Slipways Inc. sa Celeste St., Brgy. San Jose, Navotas City noong Huwebes.

Dakong alas-8:15 ng umaga nang bumagsak ang pader na nasa kabilang bahagi ng naunang pader na gumuho noong nakaraang buwan. Nagdulot ng hanggang leeg na baha sa Brgy. San Jose ang pagbagsak ng pader.

Iniutos ni Mayor John Rey Tiangco sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang paglilikas sa mga ma-aapektuhang pamilya bago mag-high tide ng alas-10:00 ng umaga.

Ayon sa alkalde, sinulatan na nila ang shipyard na may-ari ng river wall upang maayos ang may butas na pader subalit hindi nagawa dahil sa high tide at malalakas na ulan kaya’t inuna muna nilang mapaalis ang mga naninirahan sa gilid ng pader.

Nagsagawa ng special session ang 13th City Council ng Navotas na pinangunahan ni Vice Mayor Tito Sanchez upang tugunan ang liham ni Mayor Tiangco na magpasa ng resolusyong magdedeklara sa lungsod sa ilalim ng state of calamity.

Ang naturang resolusyon ang magbibigay ng karapatan sa alkalde na magamit ang pondong pang-kalamidad upang makapagbigay ng kaukulang tulong sa mga nasalanta ng bagyo at matinding pagbaha.