Hontiveros

Hontiveros ikinatuwa dagdag-benepisyo para sa solo parents

214 Views

NAGPAHAYAG ng matinding kagalakan at pasasalamat si Senadora Risa Hontiveros kahapon matapos ang pagpasa bilang batas ng Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan ay mabibigyan na ng napakalaking tulong ang mga magulang na solong nagtataguyod ng kanilang mga anak.

“Bilang isang solo mom ng apat na anak, pinersonal ko talaga ang pagtulak na magkaroon ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents. I’m intimately familiar with the feeling of not being sure how to pay for my children’s tuition, not knowing who can accompany me if one of them gets sick.” pagtatapat ni Hontivero na umamin na siya mismo ay dumaan sa butas ng karayom upang maitaguyod ang mga anak matapos mabalo sa kanyang asawa.

Ayon kay Hontiveros, napakaraming hirap ang dinadanas ng isang solo parent na pilit ginagawa ang kanilang obligasyon sa mga anak kahit pa dumadanas ng napakaraming hirap.

“I am elated that the Expanded Solo Parents Welfare Act has been passed into law. I share this victory with the millions of solo parents in our country. Sa mga kapwa ko solo parents, tagumpay natin ito.” ani Hontiveros.

Ang nasabing bagong batas ay magbibigay ng probisyon na P1000 kada buwan na cash subsidiya para sa mga minimum wage-earning solo parents, ang 10% discount sa mga medisina sa mga low-income solo magulang na may anak na 6 na taun pababa, pagbibigay ng prioridad sa low-cost housing, PhilHealth coverage, at educational scholarships.

Dahil sa K-12 system, isang naisali din sa batas ay ang karapatan ng mga solo parents na makatanggap ng benepisyo hanggang tumuntong ang ating mga anak ng 22 years old. Ang mga solo parents mismo na nakapanayam namin ang nag-rekomenda ng probisyong ito. ani Hontiveros.

Dinagdag pa ni Hontiveros na napapanahon na aniya ang pagbibigay pansin sa mga magulang na bagamat humaharap sa matinding problema para lamang mabuhay ang kanilang anak ay pilit pa rin nilang itinataguyod ang mga ito sa solong pamamaraan.

“As Senator of the 18th Congress, I had never felt such a strong grassroots, on-the-ground push for a bill to become law. Noong panahon ng kampanya, ipinangako nating maipapasa natin ito. As promised, we have delivered. Our hard work has paid off,” ani Hontiveros.