Alba

PNP naglabas ng listahan ng mga ipinagbabawal sa inagurasyon ni PBBM

Alfred Dalizon Jun 29, 2022
165 Views

NAGLABAS ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga bagay na ipagbabawal na dalhin ng mga dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes.

Sinabi ni PNP public information office chief Police Brigadier General Augustus Alba na magsasagawa ng inspeksyon sa mga daraanan papasok sa National Museum.

Ipinagbabawal umano ang pagdadala ng backpack at malalaking bag, matutulis na bagay, nakalalasing na inumin at sigarilyo, mga kemikal, paputok at pyrotechnic, lighter, pospuro at mga katulad na bagay, at drone.

Pinayuhan ng PNP ang publiko na gumamit ng transparent na bag o container para mas mabilis ang isasagawang inspeksyon.

Sinabi ni Alba na makabubuti rin kung pupunta ang mga nais na lumahok dalawang oras bago ang pagsisimula ng event.