Lorenzana

DND bumili ng 6 sasakyang pangdagat

218 Views

BUMILI ng anim na offshore patrol vessels (OPVs) ang Department of National Defense (DND) para sa Philippine Navy.

Pumirma na sa kontrata noong Lunes sina DND Secretary Delfin Lorenzana at Hyundai Heavy Industries (HHI) Vice-Chairman and President Sam Hyun Ka para sa pagbili ng mga OPV na nagkakahalaga ng P30 bilyon.

Ang OPV ay ginagamit sa coastal defense gaya ng maritime security, border control, counterterrorism, at disaster relief operations.

May haba itong 94.4 metro at lapad na 14.3 metro.

Ang proyekto ay bahagi ng Revised AFP Modernization Program na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.