Munsayac

VP-elect Duterte nais maka-usap mga naging Bise Presidente ng bansa

124 Views

NAIS ni Vice President-elect Sara Duterte na maka-usap ang mga naging Bise Presidente ng bansa.

Ayon kay Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte pinaplano ang isang fellowship lunch kung saan pag-uusapan umano ang pagkakaroon ng security detail ng mga naging ikalawang pangulo sa ilalim ng Vice Presidential Security and Protection Group.

Pag-uusapan din umano ang pagtatayo ng Vice President Museum.

Sinabi naman ni Munsayac na walang nakatakdan pagpupulong si Duterte at ang papalitan nitong si Vice President Leni Robredo bago ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Magtatapos ang termino ni Robredo sa Hunyo 30 at nauna na nitong sinabi na siya ay nakapag-empake na.