Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Digivacc suporta sa isinusulong na mas mahusay na serbisyong pangkalusugan ni PBBM

270 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Department of Health (DOH) sa paglulunsad nito ng Digivacc application, na isang malaking hakbang upang makamit ang layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghatid ng moderno, inklusibo at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Ang Digivacc ay isang digital immunization platform na binuo sa pakikipagtulungan sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) at ng pamahalaan ng Japan. Layunin nitong magbigay ng real-time access sa mga vaccination record upang matiyak na walang batang maiiwan sa pagtanggap ng mga bakunang makapagliligtas ng buhay.

“This initiative is aligned with President Marcos’ healthcare roadmap that centers on digital innovation, improved access to essential services, and the welfare of every Filipino, especially our children,” ayon kay Speaker Romualdez.

“The House of Representatives fully supports this effort. Through Digivacc, we are reinforcing the President’s vision of a Bagong Pilipinas where public healthcare is efficient, responsive, and future-ready,” dagdag pa niya.

May dalawang pangunahing gamit ang Digivacc system: ang VaccTrace, na ginagamit ng mga health worker para i-record at tingnan agad ang datos ng bakuna; at ang VaccCheck, na tumutulong sa mga magulang na makita at subaybayan ang bakuna ng kanilang anak gamit ang cellphone.

Paliwanag ni DOH Assistant Secretary Gloria Balboa, papalitan ng Digivacc ang lumang papel na talaan ng bakuna. Sa pamamagitan ng digital system, masisiguro na tama, kumpleto at nasa tamang oras ang pagbabakuna sa mga bata.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang pilot implementation ng Digivacc sa 13 lokal na pamahalaan ngunit inaasahang palalawakin ito sa buong bansa, bilang bahagi ng plano ng DOH na mabakunahan ang 95 porsiyento ng mga batang Pilipino.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez, makikita ang suporta ni Pangulong Marcos sa repormang pangkalusugan sa mga bagong programang tulad ng PhilHealth YAKAP Program na nagpapalawak ng serbisyong medikal para sa outpatient at inpatient care.

“Digivacc builds on the foundation laid by these programs. It ensures that every child, regardless of background or location, gets the vaccines they need when they need them. This is what Bagong Pilipinas is all about—raising the standard of public service and making government work better for the people,” paliwanag pa ng pinuno ng Kamara.

Hinimok din ni Romualdez ang mga magulang na gamitin ang Digivacc, partikular na ang VaccCheck component, para mas madaling masubaybayan ang kalusugan ng kanilang mga anak.

“With widespread smartphone and internet use, it’s now easier for parents to stay updated on their children’s vaccination schedules. We urge every Filipino family to take advantage of this innovation,” giit pa ng mambabatas.

“Public health is a shared responsibility. By working together—government and citizens—we can build a healthier, stronger nation where no one is left behind,” ayon pa sa pahayag ni Romualdez.