Bakuna

Bakuna Eskwela 2025 umarangkada sa Las Pinas

Edd Reyes Aug 2, 2025
334 Views

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang kampanya ng “Bakuna Eskwela” para sa taong 2025 Biyerne ng hapon sa CAA Elementary School.

Pinangunahan ni Mayor April Aguilar, kasama si City Health Officer Dr. Juliana Gonzalez, at mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH), ang opisyal na pagbubukas ng programa sa lungsod bilang bahagi ng pambansang kampanyang pinangungunahan ng DOH.

Isasagawa ang kampanya sa mga pampublikong paaralan mula Agosto 1-29, na may layuning mabakunahan ang mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7 laban sa Measles-Rubella at Tetanus-Diphtheria, at mga batang babae sa Baitang 4 para sa HPV vaccine.

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga magulang na makibahagi sa programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.