Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Holdap

Nangholdap sa mensahero, hinabol ng testigo, arestado

Edd Reyes Aug 6, 2025
206 Views

ARESTADO ang isa sa dalawang holdaper na tumangay sa idedepositong salapi ng 63-anyos na mensahero ng isang pribadong kompanya matapos habulin ng nakasaksing Grab driver at isa pang testigo sa Caloocan City.

Nabawi ng pulisya sa 47-anyos na holdaper ang P152,440.00 na kanilang tinangay sa biktima, pati na ang ginamit na replica ng kalibre .9mm Glock pistol, habang nakatakas naman ang kasabuwat na nagmaneho ng ginamit nilang motorsiklo.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, patungo na sa bangko ang biktima dakong alas-10:20 Martes ng umaga upang ideposito ang salapi ng kompanya nang itulak at tutukan ng baril ng mga suspek sa kanto ng McArthur Highway at Calle Cuatro sa Bgy. 81, at mabilis na tumakas, tangay ang salapi.

Nasaksihan ng isang testigo at Grab driver ang mapangahas na panghoholdap kaya’t lakas-loob nilang hinabol ang mga holdaper at bundulin ang motorsiklo pagsapit sa gawi ng Bagong Barrio na dahilan para sumemplang ang dalawa.

Nagkataong nagpapatrulya sa lugar ang mga operatiba ng Bagong Barrio Police Sub-Station-5 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek habang nakatakas ang kasabuwat nasi alyas “Tonyo” na tinutugis na rin ng pulisya.