Calendar
Gov. Vi pinasalamatan BPPO sa pagkahuli sa tumukas sa kulungan
DUMALO sa flag-raising ceremony sa unang Lunes ng Agosto si Batangas Police Provincial Office (BPPO) director P/Col. Geovanny Emerick Sibalo at Gov. Vilma Santos-Recto sa Dream Zone Capitol Compound, Batangas City.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.
Pinasalamatan ng gobernadora ang mga pulis katuwang ang mga miyembro ng ALPS at STAR Tollway sa kanilang aksyon na nagresulta sa pagdakip sa mga presong nakatakas sa kulungan.
Iginawad ang mga parangal ng gobernadora sa mga pulis sa at ilang indibidwal na naging daan para sa mabilisang pag-aksyon upang mahuli at maibalik sa kustodiya
ng kapulisan ang mga tumakas na preso sa Batangas Provincial Rehabilitation Center sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas.
Ang pamahalaan ng panlalawigan ng Batangas ay nagbigay ng karagdagang suporta at insentibo sa mga pulis ng BPPO na nagkakahalaga ng P100,000.

