Mandanas

Layunin, serbisyo ng Rotary suportado ni Vice Gov. Dodo

363 Views

NAGBIGAY ng inspirational message si Batangas Vice Governor Dodo Mandanas sa 45th Induction at Handover ceremony ng Rotary Club of Bauan.

Isinagawa sa Soto Grande Hotel, Bypass Road, Bauan, Batangas ang event at dinaluhan ng lahat ng Rotary Club presidents mula sa buong CALABARZON, NCR at iba pang karatig-lalawigan.

Binati ng vice governor ang mga bagong opisyales ng club at sumuporta sa mga layunin at serbisyo ng Rotary para sa kapwa at komunidad.