Trak Source: MBDA

Mixer truck nawalan ng kontrol, tumama sa carinderia, nahulog sa bangin, 4 sugatan

384 Views

APAT ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang mixer truck at salpukin ang isang karinderya bago tuluyang mahulog sa bangin nitong Huwebes ng tanghali sa Tipo road sa Bataan.

Kabilang sa mga nasugatan ang pahinante at driver ng truck, tindera sa karinderya at isang customer nito.

Batay sa inisyal na ulat ng Bataan PNP, binabaybay ng mixer truck ang matarik at pakurbang daan nang mawalan ito ng kontrol at unang inararo ang nakaparadang L300 na sasakyan sa gilid ng kalsada at sinuyod din ang karinderya bago tuluyang nahulog sa bangin.

Nagawa namang nakatalon ng driver bago bumulusok ang sasakyan habang nakaladkad naman ang tindera at lalaking kumakain sa karinderya pababa sa bangin.

Sa ngayon, inaalam na ang kalagayan ng mga biktima.