Calendar
Rep. PM Vargas
Vargas muling isinulong paggamit ng common language sa transakyon ng gobyerno
IISANG wika, isang diwa.
Ito ang nais mangyari ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas upang magkaroon ng “common language” sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng paggamit ng iisang lengguwahe na lubos na mauunawaan ng bawat mamamayang Pilipino.
Layunin din ng kongresista na mapadali at maging accessible ang public service kahit na sa isang ordinaryo o pangkaraniwang mamamayan na dumudulog sa anomang ahensiya ng ating pamahalaan.
Dahil dito, muling inihain ni Vargas ngayong 20th Congress ang kaniyang panukalang baras sa Kamara de Representantes na may titulong “Plain Language for Public Service Act” na nakapaloob sa House Bill No. 2880.
Paliwanag ni Vargas na sa dami aniya ng iba’t-ibang lengguwahe sa ating bansa. Napakahala na ang mga impormasyon mula sa ating pamahalaan ay lubos na maiintindihan ng mga Pilipino kahit na ang isang ordinaryong mamamayan.
Sabi pa ni Vargas na kasabay ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”. Napakahalaga ng lengguwahe upang maiparating sa mga mamamayan ang mga programa at development na isinusulong ng gobyerno at maipaunawa sa kanila ang polisiya na binabalangkas para sa kanilang kapakanan.
“Sa dami ng iba’t-ibang lengguwahe sa ating bansa. Napakahalaga na ang mga impormasyon mula sa gobyerno ay lubos na naiintindihan ng ating mga kababayan. As we celebrate Buwan ng Wika. We are reminded that language is a tool of empowerment and no one should be excluded from public service because of how we communicate,” ayon kay Vargas.
Ipinaliwanag pa ng House Deputy Majority Leader na layunin ng HB No. 2880 na mainstitutionalize ang paggamit ng plain language and lokal na mother tounge sa lahat nv mahahalagang dokumento ng pamahalaan o ang pakikipag-komunikasyon.
Kabilang dito ang application forms, health bulletins, voting materials, disaster advisories at barangay level announcements.
To God be the Glory

