Hepe

Hepe ng parak sa Lipa City mula sa Masaligan Class

393 Views

NAGTALAGA ng bagong hepe ng pulisya sa Lipa City sa katauhan ni P/Lt. Col. Aleli Buaquen.

Mula sa grupo ng Masaligan Class si Buaquen na hindi lamang ipinagmamalaki kundi ikinararangal ng kanyang mga kasamahan.

Sa pagpasok sa mahalagang tungkulin, handang suportahan ng mga kagrupo niya ang hepe ng pulisya, lalo na sa kanyang misyon.

Ang siyudad ay nasa mabuting kamay, sabi ni Buaquen.