Calendar
Drug suspects arestado sa shabu
APAT na pinaghihinalaang drug traffickers, kabilang ang 63-anyos na babae, na may pag-iingat na halos P1.4 milyon shabu ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng shopping mall sa Greenhills, San Juan noong Biyernes.
Nasamsam mula sa mga akusado, sa pangunguna ni alyas Mami, 63, ang tinatayang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon.
Sa ulat kay PDEA Director General Isagani Nerez, sinabi ng Bulacan PDEA provincial office na nahuli rin sa buy-bust sina Jon, 27; Lou, 19; at Yael, 52.
Nakarekober ang mga operatiba ng dalawang plastic sachets na nakatali at naglalaman ng 200 gramo ng shabu at ang marked money sa naturang operasyon.
Ayon sa PDEA, sangkot umano si alyas Mami sa malawakang pamamahagi ng shabu sa San Juan City at Bulacan.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay isasailalim sa pagsusuri ng PDEA Region 3 Laboratory Service.
Ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Samantala, nadakip din ng mga tauhan ng PDEA noong Martes ang dalawang barangay ‘kagawad’ na sangkot umano sa pangangalakal ng ilegal na droga.
Isa sa mga suspek, si alyas na Nomaire, 41, kagawad ng Brgy. Mamaanon Salvador, Lanao del Norte.
Ang kanyang kasabwat na si Al Hariki, 32, inaresto matapos magbenta ng may 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang ahente ng PDEA nitong Martes.
Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 10 ang paghuli katulong ang mga pulis sa Kapatagan Town Center sa Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte.
Nakuha sa dalawa ang apat na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng malaking halaga ng droga at ang buy-bust money.
Ang iba pang mga suspek, si alyas na Pam at Hany naaresto sa isang buy-bust sa Sitio San Roque, Purok 5 ng naturang barangay dakong alas-5:00 ng hapon.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng PDEA Negros Island Region katulong ang mga operatiba ng Philippine National Police Drug Enforcement Group at Hinigaran Municipal Police Station.
Nakuha sa mga akusado ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

