QC

Pagtulong ni Ramon Ang vs pagbaha tinanggap ng QC

Cory Martinez Aug 9, 2025
338 Views

MALUGOD na tinatanggap ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang alok na tulong ni San Miguel Corporation President at Chief Executive Officer (CEO) Ramon Ang sa pagresolba sa problema sa mga pagbaha sa Metro Manila, kabilang na ang Quezon City.

Sa ipinalabas na pahayag ng lokal na pamahalaan, malugod nitong tinatanggap ang lahat ng mga partner mula sa mga ahensiya ng national government at pribadong sektor na magbabahagi ng kanilang commitment na pangalagaan ang mga komunidad sa lungsod.

“Many major national roads, waterways, and projects pass through Quezon City. We work closely with the national government—particularly the Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), and the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)—to keep our people safe,” ayon sa pahayag.

Sinabi pa ng pamahalaang lungsod, kanilang ipinapatupad ang kanilang Drainage Master Plan (DMP) dahil hindi na nila mababago ang mga kasalukuyang national project.

Isang science-based, city-wide program ang DMP na binuo sa pamamagitan ng technical study at konsultasyon upang maresolba ang pagbaha sa lungsod.

Ayon sa DMP, na suportado ng pananaliksik mula sa University of the Philippines Resilience Institute, maraming problema ang kaakibat ng mga pagbaha.

Batay pa sa naturang proyekto, makakatulong sa ilang lugar ang pagpapalawak ng mga riverway o ang pag-alis ng mga obstruction subalit hindi sapat ito para matigil ang pagbaha.

Binigay halimbawa ng pamahalaang lungsod ang pagbaha sa SAPAMANAI Village (Fairlane Avenue) at Buenamar Drive, na siyang upstream at midstream component ng Tullahan River Basin.

Bunsod ng elevation differences sa pagitan ng inlet, low topography, disconnected drainage networks, culverts na hindi tama ang sizes, undersized pipes, at clogged systems ang mga dahilan sa pagbaha at hindi lamang river obstructions.

“Our data further show that 24% of inventoried drainage pipes in QC are below DPWH’s minimum size standard, limiting their ability to handle stormwater,” dagdag pa sa pahayag.

Nagbabala din ang DMP na makakapagtaas ng water velocity at magpapalala ng flooding downstream ang pagsisikip bg mga river channel katulad ng paglalagay ng mga sheet pile, kung hindi pinarisan ng detention brain o iba pang flood-mitigation measure, na matagumpay na ipinatutupad sa ibang bansa tulad ng Singapore at Japan.

“We therefore appeal to national agencies, contractors, and private sector stalwarts like Mr. Ang to work with us in a coordinated, evidence- based manner—combining river improvements with upgraded drainage systems, better network connections, and climate-resilient infrastructure. Many of the solutions laid down in our DMP have been proven effective when interventions were introduced such as in PhilAm Homes, Pearl Drive in Fairview-Commonwealth, MRT7 Don Antonio Station in Commonwealth and Apolonio Samson,” ayon pa sa pahayag ng lokal na pamahalaan.

Hindi mareresolba overnight ang pagbaha o sa single approach subalit sa kooperasyon, synergy at siyensya na siyang gagabay sa kanilang aksyon, magkakaroon ng pangmatagalang progreso sa lungsod at sa iba pang lugar sa Metro Manila.

“Laging handa ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon na makipag-ugnayan at makipagtulungan kasama ang pambansang pamahalaan at lahat ng mahalagang katuwang—mula sa pribadong sektor, civil society, at sa ating mga mamamayan. Para sa amin, iisa lang ang layunin: ang mas mapabuti ang buhay ng bawat QCitizen—mas ligtas, mas maunlad, at mas handa sa anumang hamon,” ayon pa sa pahayag.