Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Taguig Ang mga naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng SPD sa Taguig City. JONJON C. REYES

Mayor Lani pinuri PNP sa tuloy-tuloy na operasyon vs droga

Jon-jon Reyes Aug 15, 2025
218 Views

NAGBABALA si Mayor Lani Cayetano sa lahat ng kriminal na walang puwang sa Taguig ang ilegal na droga at sugal, kasabay ng kanyang pagpuri sa Philippine National Police (PNP) matapos magsagawa ng dalawang buy-bust operation na umabot sa halos ₱3 milyon ang halaga ng nasamsam na hinihinalang shabu sa loob lamang ng isang linggo.

Noong Agosto 12, 2025, inaresto ng Southern Police District–Drug Enforcement Unit (SPD–DDEU), kasama ang Taguig City Police Sub-Station 6, ang apat na high-value target sa isang operasyon sa Brgy. South Signal.

Nakumpiska ang tinatayang 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.7 milyon, buy-bust money, isang pulang Mazda 2, at iba pang gamit.

Apat na araw bago ito, Agosto 8, 2025, nakasamsam din ang pulisya sa Brgy. Lower Bicutan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.36 milyon mula mula sa mga itinuturing ding high-value target.

Bahagi ito ng tuloy-tuloy na serye ng mga operasyon na sinimulan pa noong Abril 2025, kung saan nakahuli ang Taguig City Police ng tatlong high-value suspects sa Barangays Upper at Western Bicutan at nasamsam ang mahigit 640 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa ₱4.3 milyon ang halaga.

“These are not minor arrests. These are high-value drug personalities who have been preying on our communities. I thank the PNP, especially the Southern Police District and the Taguig City Police, for their swift action and dedication. If you deal drugs in Taguig, you will be caught, prosecuted, and face the full weight of the law,” ani Mayor Lani.

Binigyang-diin ng alkalde na nananatiling mahigpit ang paninindigan ng pamahalaang lungsod laban sa ilegal na droga at sugal:

“Illegal drugs and gambling destroy lives, tear apart families, and put our neighborhoods at risk. We will not allow that to happen in Taguig. Our police will continue aggressive enforcement, and the City will sustain mandatory random drug testing in government offices and high-risk sectors.”

Patuloy na ipinatutupad ng Taguig Anti-Drug Abuse Office (TADAO) ang patakarang ito sa pamamagitan ng masusing drug testing sa mga kasalukuyang empleyado at aplikante sa trabaho.

Mula Hunyo 2022 hanggang Agosto 2025, 314 empleyado ng lungsod ang nagpositibo sa random drug test at agad tinanggal sa serbisyo. Sa parehong panahon, 169 aplikante ang bumagsak sa pre-employment drug test at hindi pinayagang makapasok sa city hall.

Hinimok ni Mayor Lani ang publiko na ireport agad sa mga awtoridad ang anumang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga at sugal sa lungsod.