Yosi Source: PAL

CAAP sa passengers: Vape, yosi bawal sa plane

Jun I Legaspi Aug 15, 2025
361 Views

NAGPAALALA ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bawal ang paninigarilyo at paggamit ng vape habang nasa biyahe sa eroplano kasunod ng mga insidenteng naiulat ng mga airline.

Alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Vince Dizon, pinalalakas ng CAAP ang pagpapatupad ng mga regulasyong pangkaligtasan sa paglalakbay sa himpapawid.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo at vaping batay sa Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR),
RA 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) at
RA 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act).

Maaaring patawan ng parusa ang sinumang lalabag.

Ang paninigarilyo o vaping sa loob ng eroplano ay mapanganib, dahil maaaring magdulot ito ng sunog sa isang sarado at pressurized na kapaligiran, ayon sa CAAP.

I-report agad ang anumang paglabag sa mga flight attendant o sa Aviation Security Group, dagdag ng CAAP.