Calendar
Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union
Pag-alis ng gambling links sa e-wallets suportado ng Young Guns




SUPORTADO ng ‘Young Guns’ ng Kamara de Representantes ang naging hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na alisin ang in-app gambling links sa e-wallets, na isa umanong matapang na panalo sa polisiya para protektahan ang mga Pilipino laban sa mabilis na pagkalat ng online betting.
Ayon sa Young Guns isa itong hakbang upang mapigil ang pagdami ng online betting at ang masamang epekto nito sa kalusugan pinansyal ng mga Pilipino.
Ayon sa grupo, ang BSP Memorandum No. M-2025—na pansamantalang nagdi-disable ng gambling features sa e-wallets—ay direktang tumutugon sa madaling integrasyon ng payment platforms at gambling sites na nagbigay-daan para maging “alarmingly simple” ang pagsusugal para sa sinumang may smartphone.
“The easy linkage of e-wallets to gambling sites has made it alarmingly simple for anyone, including vulnerable individuals, to participate in online gambling without leaving their homes,” ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union. “This convenience, while innovative for legitimate transactions, has inadvertently fueled a rise in impulsive betting behaviors across the nation.”
Nagbabala ang mga mambabatas na ang ganitong access ay nagdudulot ng mas mataas na panganib ng gambling addiction, pagkawasak ng pinansyal ng pamilya, at mas malawak pang suliraning panlipunan gaya ng utang, depresyon, at maging pagkamatay sa pagpapakamatay.
“Unrestricted access to online gambling through mobile payments exacerbates addiction, leading to devastating consequences such as bankruptcy, broken families, and even heightened rates of depression and suicide among affected individuals,” sabi ni Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun. “By suspending these features, the BSP is taking a crucial step to protect our citizens from these harms.”
Binanggit nila na ang pagdami ng in-app redirects papunta sa gambling sites ay madalas na tinatarget ang mga mahihinang pinansyal, kaya’t ang dapat na ligtas na payment tools ay nagiging “gateways for exploitation.”
“We’ve seen how the proliferation of in-app redirects to gambling sites preys on the financially insecure, turning what should be secure payment tools into gateways for exploitation. This memorandum aligns with our commitment to safeguarding public welfare,” ayon sa grupo.
Sinabi ni Deputy Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. na ang panukala ay tugon sa hinaing ng publiko hinggil sa epekto ng online gambling sa kalusugan at pinansyal.
“The heightened public concern over the financial and health impacts of online gambling demands immediate action. Supporting this suspension ensures that mobile payment services remain focused on productive uses, not destructive habits,” ani Dionisio.
Binigyang-diin naman ni Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pangangailangan ng mas mahigpit na regulasyon.
“Filipinos deserve payment systems that promote financial stability, not ones that enable easy access to high-risk activities. This policy reinforces accountability in the digital economy,” wika ni Adiong.
Para naman kay House Committee on Public Information chairman at Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, inuuna ng hakbang ang kapakanan ng tao higit sa walang kontrol na kaginhawaan ng teknolohiya.
“The Young Guns stand firmly behind the BSP’s initiative. It’s a proactive measure that prioritizes the well-being of our people over unchecked technological conveniences.
We urge all stakeholders to comply swiftly and explore ways to further strengthen consumer protections,” ani Suan.
Muling tiniyak ng grupo ang suporta nito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas matitibay na hakbang laban sa pinsalang dulot ng online gambling sa lipunan at ekonomiya, at sinabing ang patakaran ay isang hakbang tungo sa proteksyon ng pamilyang Pilipino at pagsusulong ng kaunlarang pinansyal.

