Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Rider Ang sugatang rider na nadamay sa karambola ng mga sasakyan matapos araruhin ng oil tanker ang mga ito sa kahabaan ng Mabini Bridge, Pandacan, Manila.

4 na sasakyan inararo ng coconut oil tanker sa Nagtahan Bridge

Jon-jon Reyes Aug 16, 2025
297 Views

Rider1SUGATAN ang 32-anyos na rider na isa sa mga nadamay sa tatlong sasakyan na inararo ng isang coconut oil tanker matapos mawalan ng preno, Biyernes ng hapon sa Pandacan, Manila.

Dahil sa insidente, nagtuloy-tuloy ang mga nagbanggaang sasakyan pababa ng Mabini Bridge, o kilala bilang Nagtahan Bridge, malapit sa Guazon Avenue sa Pandacan.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Allen Christian Camangon, ang may hawak ng kaso sa Vehicular Investigation Traffic Enforcement Section (VITS), na pinangangasiwaan ni Police Captain Dennis Turla, ang investigation chief ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 4:40 ng hapon nang mangyari ang aksidente.

Apat na sasakyan ang nagkarambola kabilang ang isang oil tanker na umararo sa mga sasakyan sa naturang lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente ay nasa third lane ang oil tanker habang binabagtas nito ang southbound lane ng Mabini Bridge sa Pandacan.

Pagdating sa pababang bahagi ng nasabing tulay, biglang lumiko ang oil tanker sa kanan at nabangga ang harapan nito sa likurang bahagi ng motosiklo na lulan ng sugatang 32-anyos na rider.

Isang 38-anyos na lalaki na taga Malabon City ay bahagyang nasugatan din matapos mabangga ang kaliwang likurang bahagi ng kanyang sasakyan ng oil tanker.

Ang oil tanker ay nagtuloy-tuloy hanggang bumangga rin ito sa likurang bahagi ng isang Toyota Fortuner at umabot sa sidewalk kung saan tumama sa side railings.

Dahil dito, nagtamo ng physical injury ang rider, samantalang ang iba pang sangkot na mga sasakyan ay nagtamo ng hindi pa malamang halaga ng pinsala.

Masuwerte naman at hindi nahulog ang oil tanker sa tulay matapos magtuloy-tuloy sa pagdausdos hanggang sa tumigil sa railings ng tulay.

Nahaharap ang driver ng oil tanker sa kasong multiple damage to property with physical injury.