Nadia1

Kumpirmado Nadia umalis na sa Senado

212 Views

Nadia1KUMPIRMADONG nagbitiw si Nadia Montenegro sa kanyang posisyon bilang Political Officer 6 sa tanggapan ni Senador Robinhood Padilla, kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa umano’y paggamit ng marijuana sa loob ng Senado sa pangalawang palapag ng gusali.

Kinumpirma ito ni Atty. Rudolf Philip Jurado, Chief of Staff ni Senador Padilla, na nagsumite na si Montenegro ng nakasulat na paliwanag kaugnay ng isyu bago tanggapin ng senador ang kanyang pagbibitiw.

Bagama’t wala pang inihaing pormal na reklamo, itinuring ng marami ang agarang pagtanggap sa kanyang pagbibitiw bilang hakbang upang mapigilan ang mas malawak na epekto ng kontrobersiya.

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig ng kampo ni Senador Padilla at wala pa ring inilalabas na karagdagang impormasyon hinggil sa insidente.