Suansing Nueva Ecija 1st District Rep. Mika Suansing

Kamara sinimulan deliberasyon ng P6.793T 2026 national budget na may kalakip na reporma, agenda na naka-sentro sa taumbayan

470 Views

SINIMULAN na ng Kamara de Representantes, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, nitong Lunes ang pagtalakay sa panukalang P6.793-trilyong national budget para sa fiscal year 2026—ang pinakamalaking budget ng gobyerno ng Pilipinas sa kasaysayan.

Pangako ng Kamara na titiyakin nito na bawat piso ay mapapakinabangan ng mga Pilipino at ang proseso ay transparent, may pananagutan at partisipasyon ng publiko.

Nagbigay ng briefing sa plenaryo ang Development Budget Coordination Committee (DBCC)—na binubuo ng Department of Budget and Management; Department of Finance; Department of Economy, Planning and Development: Office of the President; at Bangko Sentral ng Pilipinas bilang tagapayo—sa House committee on appropriations.

Sa kanyang opening remarks, binigyang-diin ni Nueva Ecija 1st District Rep. Mika Suansing, chair ng House committee on appropriations, ang pangako ng Kamara para sa makabuluhang reporma at people-first budgeting.

“We envision the budget for FY 2026 to be centered on the Filipino people—both in terms of expenditure priorities and the budget process itself,” sabi ni Suansing sa briefing.

“This is why we fully support the framework laid out by the DBCC, which emphasizes human capital development in crafting the 2026 national budget—by prioritizing investments in quality education, healthcare and workforce upskilling,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Suansing na sisiguraduhin ng Kongreso na ang pinakamalaking panukalang budget sa kasaysayan ay magbunga ng nakikita at konkretong pagbabago sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

“Sisiguraduhin po ng Kongreso na ang P6.793 trillion na budget ng ating bansa ay pakikinabangan ng ating mga kababayan,” ani Suansing.

“Mararamdaman at makikita po ninyo ito—mas maginhawang pagpapagamot, mas dekalidad na edukasyon at mga classroom, mas maraming dekalidad na trabaho, at mas magandang mga kalsada para sa mga magsasaka upang mas mapadali ang pagdala ng inyo pong mga produkto sa merkado,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Suansing ang malalaking reporma sa budget process na layong wakasan ang pagiging lihim at ibalik ang tiwala ng publiko.

“Naririnig po natin ang panawagan ng ating mga kababayan na mas maging bukas ang proseso at magkaroon po kayo ng mas malakas na boses sa pagbuo ng budget,” ayon sa House budget panel chief.

“In response to our people’s clamor, and in support of the call of President Ferdinand R. Marcos Jr. and of Speaker Martin Romualdez toward increased transparency and public participation in the budget process, we will enact major reforms: we will abolish the ‘small committee,’ open the bicameral conference committee proceedings, and institutionalize civil society engagement in the budget process,” pagpapatuloy niya.

Ayon kay Suansing, ang mga pagbabagong ito ay sumasalamin sa mas malalim na prinsipyo na dapat may direktang bahagi ang mga Pilipino sa paggugol ng kanilang buwis.

“Our commitment is firm: In this budget and in the years to come, we are bringing the Filipino people back to the center of the budget process where you rightfully belong,” ani Suansing.

“Ang bawat piso ng budget na ito ay galing sa dugo at pawis ng mga Pilipino, kaya magiging masusi po ang deliberasyon ng inyong Kongreso sa mga darating na buwan upang siguraduhin na ang bawat piso ay mailalaan para sa ikabubuti ng ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Kinikilala rin ni Suansing ang malaking responsibilidad na kinakaharap ng Kamara, at hinimok ang kanyang mga kapwa mambabatas na tugunan ito nang may tapang at pagkakaisa, sabay pahayag ng kahandaang makipagtulungan sa Executive branch upang mabuo ang isang budget na tumutugon sa pangangailangan ng taumbayan at nagsusulong ng matagal nang reporma sa mga institusyon.

“But while doubly arduous, I ask you to please join us on this journey—because we are at a critical juncture. The work that we will be doing in the next months alone will be an important determining factor in safeguarding the Filipino people’s faith in the budget process and in securing our country’s economic future for generations to come,” aniya.

“We need to do this for our country. We need to do this for the Filipino people,” pagtatapos niya.

Bilang pangunahing fiscal planning body ng pamahalaan, ang DBCC ang responsable sa pagsusuri at pagrekomenda ng mga macroeconomic targets, revenue forecasts, antas ng pangungutang, kabuuang limitasyon sa paggasta at mga prayoridad sa gastusin para sa Pangulo at Gabinete.

Inaasahang magpapatuloy ang budget deliberations sa mga susunod na buwan, at target ng Kamara na maipasa ang 2026 General Appropriations Bill (GAB) sa ikatlo at huling pagbasa bago matapos ang taon.