Calendar
Ang mga suspek na naaresto ay dinala ng mga miyembro ng Manila Police District sa Manila City Hall para sa inquest proceedings at iharap kay Manila Mayor Isko Moreno.
Kuha ni JON-JON C. REYES
2 suspek sa pagpatay ng 2 Japanese nat’l huli ng MPD

NAARESTO na nitong Martes ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang itinuturing na suspek sa pamamaslang sa dalawang Japanese national sa Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Albert” na 50-anyos at “Abel” na 62-anyos at pawang residente ng Minalin, Pampanga. Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang nakatakas na suspek.
Ang mga naarestong suspek ay hahaharap sa kasong murder by shooting na batay sa Article 248 ng Revised Penal Code (RPC) at theft alinsunod sa Article 308 ng RPC.
Samantala, nakilala ang mga bikitma na sina Hideaki Satori, 53 taong gulang na Japanese national na naka-billet sa Midas Hotel and Casino sa Roxas Boulevard, Pasay City, at Akinobu Nakayama, 41-anyos.
Inihayag ng MPD, sa pamamagitan ng activation ng Special Investigation Task Group Malvar, na ang naunang mga suspek ay nakakulong na, habang may isa pang person of interest na natukoy kaugnay sa nangyaring robbery with homicide kamakailan na kinasangkutan ng dalawang Japanese national.
Sa pamamagitan ng masusing pag-backtrack at pag-verify ng mga kaganapan, kabilang ang pagkuha ng mga kritikal na kuha ng CCTV, sinubaybayan ang galaw ng mga suspek bago at pagkatapos ng insidente.
Ang unang suspek na siyang bumaril ay nakitang madalas na pumunta sa mga pangunahing lokasyon sa kahabaan ng Pedro Gil Street at nakunan ng camera na nagtanggal ng kanyang face mask na nagpapakita ng kanyang pagkakakilanlan.
Ang ikalawang suspek ay isa umanong tour guide at natunton sa pamamagitan ng recording ng CCTV sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Sheraton, Adriatico Street at Pasay City, na siyang nagbigay tulong sa mga imbestigador na masubaybayan ang kanyang mga galaw kasunod ng insidente.

