Calendar
Lacson kinuwestiyon pahayag ng DPWH ng ghost project sa Bulacan isolated
TINUTULAN ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pahayag ni Public Works Secretary Manuel Bonoan na ang mga nadiskubreng ghost flood-control projects sa unang distrito ng Bulacan ay isang “isolated case” lamang.
Sa isang panayam, iginiit ni Lacson na hindi makatarungang ikahon ang anomalya sa Bulacan lang, lalo na’t lumabas sa sariling imbestigasyon ng kanyang grupo na may kahalintulad ding iregularidad sa iba pang rehiyon.
“When you say it is an isolated case, it sounds like a defense mechanism. It suggests you don’t intend to conduct a full-scale and comprehensive investigation. And I expected that, so I had my teams check projects in other areas,” aniya sa Filipino.
Binanggit ni Lacson na nagsagawa sila ng case studies sa Pampanga, Northern Luzon, at iba pang lugar upang pabulaanan ang pahayag na ang problema ay limitado lamang sa Bulacan. “I can say this is not an isolated case,” giit pa niya.
Sa kanyang privilege speech noong Agosto 20, isinaad ng senador ang listahan ng mga umano’y ghost at kaduda-dudang flood-control projects hindi lang sa Bulacan, kundi pati sa Pampanga, La Union, at Oriental Mindoro.
Nang tanungin kung may posibilidad na nalinlang ang DPWH central office ng mga sindikato sa field, sinabi ni Lacson na nasa kalihim pa rin ang pananagutan. “He may not be made aware of it, but it is still his responsibility. Now is the time to audit everything, at least when it comes to flood control projects,” ani niya.
Bagamat positibo si Lacson sa isinasagawang fraud audit ng Commission on Audit (COA), binigyang-diin niyang ito’y dapat malawakan. “I hope the audit will be comprehensive and extensive enough so the public can see how their taxes were spent,” saad niya, sabay dagdag na ang paggastos sa proyekto ay “should be based on the needs and priorities of the constituents.”
Hinimok din ni Lacson ang publiko at midya na isumbong ang mga ghost o depektibong proyekto sa pamamagitan ng SumbongsaPangulo website. Ayon sa kanya, posibleng maglabas pa siya ng follow-up privilege speech kung may mas malalim pang anomalya na matutuklasan ng kanyang team.
Sa isang hiwalay na panayam sa NET25, binigyang-diin ni Lacson ang kahalagahan ng pananagutan. “I hope the investigation bears fruit and those responsible will be punished, charged and jailed,” aniya.

