LPA

Isang posibleng maging bagyo

290 Views

TUMAMA na sa bayan ng Casiguran, Aurora ang low-pressure area (LPA) na naging Tropical Depression (TD) Isang, ayon sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA nitong Biyernes.

Taglay ni Isang ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 km/h.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar kung saan mararanasan ang malalakas na hangin:Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan; Hilaga at Gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis); at Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Lupao, Carranglan, Pantabangan, San Jose City).

Bahagyang pinalalakas ni Isang ang habagat (southwest monsoon) na magdadala ng malalakas na bugso ng hangin mula sa malakas hanggang gale-force sa mga sumusunod na lugar kahit walang itinaas na wind signal:Aurora (ibang bahagi),Zambales,Bataan,Metro Manila,Calabarzon,Mimaropa, Camarines Norte at Sur,Catanduanes,Burias Island,Western Visayas,Negros Island Region,Central Visayas,Dinagat Islands, Southern Leyte,Surigao del Norte, at Camiguin.

Inaasahan din ang maalon hanggang napakaalon na karagatan sa baybayin ng Batanes at Cagayan.

Pinapayuhan ang maliliit na bangkang pandagat at iba pang uri ng sasakyang-dagat na huwag muna pumalaot, ayon sa babala ng PAGASA.

May posibilidad na maging isang tropical storm si Isang bago ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado. Philippine News Agency