Calendar
Manila Rep. Benny Abante
Abante kay Benjie: Tumestigo ka o tumahimik ka

“SHOW up or shut up.”
Ito ang mensahe ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tumanggi na humingi ng paumanhin sa paggamit ng salitang moro-moro upang maliitin ang imbestigasyon ng Kongreso sa umano’y iregularidad sa flood control projects.
Sinabi ni Abante, chair ng House committee on human rights, na ang pagtanggi ni Magalong na humingi ng paumanhin sa mga moro ay insulto sa institusyon at pagyurak sa mga mambabatas na nakatuon ang atensyon sa kanilang mandato bilang mga kinatawan ng publiko.
“Mayor Magalong says he will not apologize. Then he must do the honorable thing: appear at our hearings, name names, submit documents, and testify under oath,” sabi ni Abante.
“Sweeping accusations without bases accomplish nothing. If he wants to accomplish something tangible, then present concrete evidence. Then together we can hold the wrongdoers accountable,” dagdag niya.
Ayon kay Abante, ang mga walang ingat na pahayag ni Magalong ay sumisira sa mga institusyon gaya ng Kamara na nais ding matugunan ang mga isyu ng flood control projects.
“Mayor Magalong does not have a monopoly of good intentions. We also want to find out who are profiting off the suffering of our kababayan,” aniya.
“Pero imbes na magtulungan tayo, sinasabi niyang moro-moro ang aming imbestigasyon; para bang lahat kaming kongresista ay kasabwat,” dagdag pa ng mambabatas.
Unfair din umano ang alegasyon ni Magalong dahil nilalahat nito ang mahigit 300 miyembro ng Kamara sa halip na tukuyin kung sino ang inaakusahan nito.
“Words have weight, especially when they come from a fellow public official,” punto ni Abante.
Ayon kay Abante, maaaring pumunta si Magalong sa imbestigasyon ng bagong buo na tri-commitee upang ilahad ang kanyang alegasyon at ebidensya.
“If he is truly concerned about the Filipino people, then let him have the courage to appear in Congress. Matapang lang ata si Magalong pag kaharap ang media,” ani Abante.
Iginiit ni Abante na nananatili ang pagsulong ng Kamara sa transparency at accountability sa pamamahala at inulit ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pakikinggan ang mga kapani-paniwalang saksi.
“Results beat rhetoric every time. If Mayor Magalong refuses to face the committee with evidence, then he is nothing more than an empty can; maingay pero walang laman,” saad pa ni Abante.

