Calendar
Ghost, substandard flood control contractors, DPWH officials dapat kasuhan na ng DOJ – Sen. Tulfo
NAIS ni Senate Blue Ribbon Committee Vice-Chairman Erwin Tulfo na kasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang mga contractor at opisyales ng DPWH na nagsabwatan umano sa ghost at substandard flood control projects.
Ani Tulfo, ang mga isiniwalat ni Pangulong Marcos at Sen. Ping Lacson na mga ghost at substandard projects ay sapat ng ebidensya para makasuhan at makulong ang mga “kawatan”.
Anang mambabatas, “Kung yung shoplifter nga na ilang item lang ang ibinulsa na wala pa isandaang piso ang halaga, kulong agad…dapat ganun din itong mga nagnakaw ng trilyong pisong halaga sa government project”.
Base sa report ng DPWH, P1.2 trilyong piso na simula noong 2022 hanggang sa kasalukuyang taon iginugol na pondo para sa flood control.
Labinlimang contractor lang ang naghati-hati sa higit isang trilyong pisong flood control na palpak ang pagkagawa, ayon sa Pangulo.
Lima ang napapabalitang nagpapa-rent ng kanilang lisensya. Tatlo naman ang sabit sa ghost flood control.

