Bata1

Bata nahulog mula tumatakbong L300 van sa Roxas Boulevard

Jon-jon Reyes Aug 25, 2025
357 Views

NATIYEMPUHAN ng dashcam mula isang motorista ang isang paslit na nahulog mula sa tumatakbong L300 na sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard noong Sabado bandang 9:30 ng gabi August 23, 2025.

Ayon sa motoristang nakakita sa pangyayari, napasigaw at napa-busina na lamang siya sa kanyang minamanehong sasakyan bilang pantawag pansin sa driver ng sasakyan makaraang makita nito ang bata na nahulog at nagpagulong gulong sa kalsada matapos bumukas ang pintuan ng L300 .

Agad naman hinuntuan ng motorista ang bata upang pakalmahain habang umiiyak at bahagyang nasugatan. Mabilis naman bumaba ang driver ng L300 at kinuha ang paslit.

Nagpaalala ang mga concerned citizen na maging “maingat ang mga guardian o magulang sa mga ganitong insidente lalo na kapag may mga kasamang bata at habang nasa biyahe. Ugaliing mag-doble check sa mga pintuan at lock ng sasakyan upang hindi mapbuksan ng mga bata.”

“Huwag din po sana sisihin ang bata o pagalitan kung may mga ganitong aksidente, since responsibility po ng parents to double check everything before bumyahe,” dagdag ng uploader,” dagdag na payo ng mga concerned citizen.