PNP

Sunog tinupok bahagi ng PNP Hospital

Zaida Delos Reyes Aug 25, 2025
290 Views

HALOS isang oras nilamon ng apoy ang isang bahagi ng Philippine National Police Hospital noong Linggo sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay sa opisyal ng PNP Health Service na si Police Captain Carlo Jayson Turqueza, nagsimula ang sunog dakong alas-10:20 ng gabi sa Specialty Ward at Neonatal Intensive Care Unit (NICU).

Rumesponde ang mga tauhan ng Base Fire Section Emergency sa loob ng Camp Crame sa pangunguna ni Lt. Wallt Ocde at rumesponde rin ang BFP Quezon City Fire District.

Dakong alas-10:50 ng gabi na-control ang apoy at idineklarang fire-out dakong alas-11:19 ng gabi.

Walang naitalang sugatan o nasawi sa sunog.

Bago ang sunog may narinig na pagsabog hanggang nakita ang apoy sa nasabing compound.