Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Bahay

Bahay sa Paranaque nasunog; may-ari buhay, alagang pusa patay

Edd Reyes Aug 26, 2025
417 Views

SUMIKLAB ang sunog sa hindi pa batid na dahilan sa isang residential house Martes ng umaga sa Paranaque City.

Inabot lamang sa unang alarma ang sunog na tumupok sa malaking bahagi ng dalawang palapag na bahay sa Buena Vida Compound, Brgy. Merville pasado alas-10 ng umaga bago nakontrol ng mga nagrespondeng tauhan ng Paranaque Bureau of Fire Protection (BFP) alas-10:52 hanggang ideklarang fire out pasado alas-11 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan maliban sa namatay na pusang alaga ng may-ari ng bahay na hindi nakalabas ng bahay.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang halaga ng pinsala, pati na ang pinagmulan ng apoy.